Laging armadong pakikibaka ang nása isip na tanging alternatibo. Ang hindi mahilig sa armadong rebolusyon ay nabibitag naman sa pagiging cynical at pagwawalang-bahala. Ano’t anuman, napopoot man o nagwawalang paki, nalilimot niya ang paggálang sa tungkulin bílang mamamayan at ang pagkilála sa mga paraan ng pagmamahal sa bayan.
Ganito ang pakiramdam ko kapag nakakikíta ng mga sulat sa pader ng UP na: “Ibagsak si GMA!” “Mabuhay ang NPA!” Ekspresyon ito ng politika ng poot. May karapatan ang sumulat na ipahayag ang nararamdaman niyang galit kay GMA at paghanga sa NPA. Ngunit, at magagalit sa akin ang mga kaibigang tibak, bakit kailangan niyang sirain ang pintura ng kalinisan sa pader ng UP para ipahayag ang kaniyang politika ng poot? Hindi ba’t sinisira niya ang pera ng bayan na ginastos sa pintura at pagpipintura ng pader? Wala bang ibang paraan para ipahayag ang kaniyang poot? Para sa akin, ang gayong pagsulat sa pader ng UP ay hindi nalalayô sa totoong nakasusuklam na gawain ngayon ng mga trapo na magpagawa ng mga karatula’t istrimer para maipagmalaki ang kahit isang munting serbisyo publiko na ang totoo’y ginastusan ng pondo ng bayan.
~ ~ ~ ~
Let me end by quoting from the Graduation Message of UP President Emerlinda Roman, which I found most inspiring:
"To you, the batch of 2009, I saw now: UP is flawed, as all human institutions are; but it remains the best that your country can offer. And a UP education was offered to you as a gift from the Filipino people, in recognition of your own gifts and your willingness to submit to a discipline -- both intellectual and physical -- more demanding than what you might have found elsewhere.
Use it now to good purpose. Use it honestly, and humbly, and bravely. Use it to help others rise above the poverty of their circumstances and the narrowness of their imaginations. Use it in the service of a country that will require every man and woman to do more than their best if it is to survive in these troubled times."
CONGRATULATIONS TO ALL THE GRADUATES!!!